Sunday, December 20, 2009

MENUDONG PANG KASAL

Hindi ko alam kung pano ko naluto to.

Eto ata yung panagalawang beses na nakapagluto ako ng menudong lasang pang kasal o pang piyesta. Kanina nagluto ulit ako nyan. Hindi na ganon kasarap.


Niluto ko to para sa krismas party ng kumpanya e. Potluck e. Ako nagmaganda, nagpresentang magluto ng menudo. Nagpabili ako sa tatay ko ng rekado.

Baboy (sabihin mo nalang sa tindera, yung pang menudo, bibigayn ka na ng atay nun)
Toyo
Kalamansi
Bawang
Paminta

Yung proportion nyan ng pagkakababad e tatlong kilong baboy, 14 na kalamansi, toyo (mga 1 1/2 cup) or tantsahin mo nalang (okay na yung mabababad lang yung baboy sa toyo, wag naman yung nagsiswimming sa soysauce, parang yung tinuro ko sa tinoyoang baboy) tas isang ulo ng bawang tska paminta. Babad mo ng mga 6 na oras. Wag mong isama yung atay okay

Pagkatapos nun, pakuluan mo yung baboy, maglagay ka ng konting tubig para di matapang yung lasa ng toyo. Patuyuin mo. Matatantsa mong pang gisa na sya pag nagmamantika na yung baboy. (Pag patuyo na, me mantika ng lumulutang sa ibabaw). Hanguin at palamigin

Maghanda ka ulit ng

Atsuete
Bawang
Sibuyas
Bellpepper
Patatas
Carrots
Paminta
Asin

Ang ginawa ko muna, naglagay ako ng konting mantika sa isang pan, tas nilagay ko yung carrots at patatas. Ayoko kasi ng lasog lasog yung gulay ko. Pinapawis ko muna yung gulay. Tas tinabi ko. Pero kundi ka masyadong maselan, isama mo nalang yung gulay after mong igisa yung baboy.

Maginit ka na ng mantika, tas prito mo yung atsuete. After kumulay sa mantika, tanggalin mo yung buto, tas igisa mo na yun sibuyas at bawang. Tas yung baboy (wala munag sauce nung pinagbabaran). Tas yung atay. Pakuluin ng mga limang minuto. Tas lagay mo na yung gulay kung ayaw mong sundi yung tinuro ko kanina. Ikaw na mag adjust ng lasa.

Lahat naman ng kasamahan ko natuwa sa luto ko. Sabi nga nung isa,parang menudong pang kasal yan ah!
Siguro nga dahil sa pressure kaya masarap tong menudo na to pero eto lang talaga ang naiisipkong dahilan kung bakit flop ang luto kong menudo kanina:
1. Napagtanto ko, siguro nasa karne yan. Ang ginamit ko kasi kanina yung porkchop. Ang ginamit ko diyan, kasim. Ewan ko kung tama yung hunch ko.
2. Tska yung pagkakababad nadin siguro. Dapat konting kalamansi lang. Kung isang kilong baboy, mga 3 kalamansi lang. Tas saktong toyo, tandaan, hindi dapat lumulutang sa toyo yung baboy.
3. O kaya dahil sa tensyon ng malaman kong 800 yung nagastos ng tatay ko at dapat kong singilin ng tig 160 ang mga kasamahan ko. Ewan.

Nga pala, depende sa inyo kung gusto nyo maglagay ng tomato sauce.