Sunday, September 20, 2009

BINAGOONGANG BABOY/BICOL EXPRESS

Madami na kong naluto at nakunan ng litrato at nakatambak sya sa PC namin. Mahirap magkasakit.

Eto ang version ko ng binagoongang baboy na me pagka Bicol Express.

Ang binagoongang baboy kasi alang gata, ang Bicol express naman walang bagoong. Ang problema ko kasi sa binagoongang baboy masyadong maalat. Makati sa dila sabi nga ng pinsan ko.

Pareho lang silang ginigisa, sa binagoongan pwede kang maglagay ng talong. Yung Bicol express naman, me natikman ako na nilagyan ng sigarilyas. Pampacounteract siguro sa anghang nung sili.

Madali lang to, ang pinaka burden na siguro e yung paghati at pagtanggal ng buto ng sili. Mahapdi sya sa kamay. Gloves lang ata katapat nun para di mo maramdaman.

Sangkap

Bawang
Sibuyas
Baboy
Sili (yung siling haba, yung panigang)
Gata
Bagoong
Paminta

Pakuluan mo muna ng konti yung baboy. Pag malambot na at medyo ma brown na, hanguin mo, igisa yung bawang at sibuyas,tapos yung baboy, tapos yung bagoong. Lagyan ng konting tubig. (mga 1/4 cup) tas yung sili na tas yung gata na. Timplahan mo ayon sa panlasa.

Usapang gata, kundi instant gamit mo, una mong ilagay yung pangalawang banlaw, huli yung kakang gata para lumapot.


Monday, September 14, 2009

CHOCOLATE REVEL BARS



HINDI KO ALAM MATAGAL NA KONG NAG KE CRAVE SA REVEL BAR NG JD BAKESHOP SA ILOILO.

ETONG RECIPE NA TO E HINDI KO MAI SHE SHARE. MAGAGALIT SI CHEF AILEEN NG MY FAVORITE RECIPES. HANAPIN SA WMN.PH ANG MAGIC SPELL.

Saturday, September 5, 2009

BALIW NA BABOY (TINOYOANG BABOY)


Sa tita kong malayo natutunan lutuin tong tinoyoang baboy kasi laging yan yung pinapabaon nyang ulam sa pinsan kong kasama ko sa boarding house nung college. Pero hindi ko padin magaya yung tinoyoang sinasabi nya. Nun pala, ang tinoyoan, aprang adobo o menudo na galing sa handaaan na habang tumatagal at paulit ulit na iniinit e sumasarap.

Simple lang to,parang adobo na imbes na suka ang pangasim e kalamansi ang gagamitin. Me exact measurement daw dito sabi ng tita ko, pero ako hindi ko padin minemeasure ang mga ginagamit ko. Sabi nya kasi non "lasahan mo yung timpla mo, tikman mo!"


Hindi sya dapat sobrang asim na kasing lasa na ng bistek na baboy at hindi masaydong maalat na kasing lasa na ng adobo. Eto yung mga kailangan

Isang kilong baboy (wag buto buto, sabihin mo yung pang adobo)
Bawang
Sibuyas
6 na medium size na Kamatis
5 Calamansi
Mga 1/2 cup na toyo (basta di nalulunod sa toyo yung baboy kung ayaw mong umalat luto mo)
Dahon ng laurel
Asin
Paminta

Ibabad mo muna yung baboy sa sibuyas, bawang, dahon ng laurel, toyo, kalamansi , kamatis, konting asin at paminta. overnight ko syang binababad. pagkatapos papakuluan mo lang sya, wag masyadong malakas yung apoy, habang kumukulo at kung medyo natutuyuan na sya, lagyan nyo ng konting tubig. pag medyo malambot na yung karne at medyo konting sarsa nalang ang natitira, hanguin nyo yung baboy. Tas igisa nyo ulit yung baboy sa sibuyas at bawang. tas ilagay mo ulit yung sarsa. Yun na!

Sabi nga ng tita ko, tikman mo yung timpla mo para matantsa mo kung ano kulang at kung ano magiging lasa ng luto mo. basta tandaan mo, hindi sya dapat sobrang asim na kasing lasa na ng bistek na baboy at hindi masaydong maalat na kasing lasa na ng adobo.

Habang naiimbak, sumasarap. Pero sa ref mo ilagay ha.

Tuesday, September 1, 2009

GINISANG MUNGGO


Hindi ko talaga nagustuhan ang munggo kahit kelan. Nung bata ako, pag eto yung bubungad sakin pag bubuksan ko yung kaldero, nabubuset ako at nawawalan ng gana kumain. Wala kasing dating sakin yung lasa. Parang dumaan lang sa lalamunan ko. Tska madalas kasi pangsahog ng lola ko hebe at chicharon. E ayoko pa naman ng chicharon na hindi na malutong, kaya badtrip talaga ko pag eto ang ulam.

Hanggang sa pagtanda ko dinala ko yun, pag me ulam sa carinderia, X kagad ang ginisang munggo sa listahan. Magbubukas nalang ako ng sardinas wag mo lang ako pakainin ng munggo.


Hanggang sa isang araw, kumain kami sa Clark ng pamilya ko. Umorder ng ginisang munggo ang tatay ko. Sakin okay lang, me inorder naman akong sisig kaya di ako apektado.

Pero nung nakita ko yung munggo, natakam ako. Me celery kasi. E kahit anong ulam pa naman na me celery e gusto ko. Nagiiba kasi yung lasa at bumabango yung pagkain, nakakatakam talaga.

Kaya simula nung araw na yun, nakasama na sa listahan ng mga lutuin ko ang ginisang munggo. Karaniwan, ang sahog nyan e yung natirang tinapa o kaya yung hebe. Pero para sa akin, okay yung baboy. pag tinapa kasi naglalasang tinapa yung gulay, di mo na malasahan yung munggo. Karaniwan din na nilalagyan sya ng dahon ng malunggay, o kaya dahon ng sili.

Tska yung bersyon ko ng ginisang munggo, me ampalaya. Me diabetes kasi tatay ko e. Masarap naman kahit papano. Pero kung ikaw yung tipong di talaga kumakain ng ampalaya, kahit wala non masarap na.

Sangkap:

Bawang
Sibuyas
Baboy
Munggo
Tubig
Ampalaya
Celery
Asin
Paminta

Huhugasan ko muna yung mungggo tas binababad ko ng mga isang oras sa tubig, tas pakukuluan ko muna yun. Masyado kasing matagal bago yun lumambot e. Pagkamalambot na, igisa mo na yung bawang at sibuyas tas isunod mo na yung baboy, pag mapula na yung baboy, lagay mo na yung pinakuluan mong munggo, unang kulo lang, lagay mo na yung ampalaya, pagkatapos ng mga sampung minuto patayin mo na ang apoy at lagay mo na yung celery. Timpalahan mo ng asin at paminta ayon sa iyong panlasa.

Okay sya sa pritong isda + kanin.