Saturday, September 5, 2009

BALIW NA BABOY (TINOYOANG BABOY)


Sa tita kong malayo natutunan lutuin tong tinoyoang baboy kasi laging yan yung pinapabaon nyang ulam sa pinsan kong kasama ko sa boarding house nung college. Pero hindi ko padin magaya yung tinoyoang sinasabi nya. Nun pala, ang tinoyoan, aprang adobo o menudo na galing sa handaaan na habang tumatagal at paulit ulit na iniinit e sumasarap.

Simple lang to,parang adobo na imbes na suka ang pangasim e kalamansi ang gagamitin. Me exact measurement daw dito sabi ng tita ko, pero ako hindi ko padin minemeasure ang mga ginagamit ko. Sabi nya kasi non "lasahan mo yung timpla mo, tikman mo!"


Hindi sya dapat sobrang asim na kasing lasa na ng bistek na baboy at hindi masaydong maalat na kasing lasa na ng adobo. Eto yung mga kailangan

Isang kilong baboy (wag buto buto, sabihin mo yung pang adobo)
Bawang
Sibuyas
6 na medium size na Kamatis
5 Calamansi
Mga 1/2 cup na toyo (basta di nalulunod sa toyo yung baboy kung ayaw mong umalat luto mo)
Dahon ng laurel
Asin
Paminta

Ibabad mo muna yung baboy sa sibuyas, bawang, dahon ng laurel, toyo, kalamansi , kamatis, konting asin at paminta. overnight ko syang binababad. pagkatapos papakuluan mo lang sya, wag masyadong malakas yung apoy, habang kumukulo at kung medyo natutuyuan na sya, lagyan nyo ng konting tubig. pag medyo malambot na yung karne at medyo konting sarsa nalang ang natitira, hanguin nyo yung baboy. Tas igisa nyo ulit yung baboy sa sibuyas at bawang. tas ilagay mo ulit yung sarsa. Yun na!

Sabi nga ng tita ko, tikman mo yung timpla mo para matantsa mo kung ano kulang at kung ano magiging lasa ng luto mo. basta tandaan mo, hindi sya dapat sobrang asim na kasing lasa na ng bistek na baboy at hindi masaydong maalat na kasing lasa na ng adobo.

Habang naiimbak, sumasarap. Pero sa ref mo ilagay ha.

2 comments: