Sunday, September 20, 2009

BINAGOONGANG BABOY/BICOL EXPRESS

Madami na kong naluto at nakunan ng litrato at nakatambak sya sa PC namin. Mahirap magkasakit.

Eto ang version ko ng binagoongang baboy na me pagka Bicol Express.

Ang binagoongang baboy kasi alang gata, ang Bicol express naman walang bagoong. Ang problema ko kasi sa binagoongang baboy masyadong maalat. Makati sa dila sabi nga ng pinsan ko.

Pareho lang silang ginigisa, sa binagoongan pwede kang maglagay ng talong. Yung Bicol express naman, me natikman ako na nilagyan ng sigarilyas. Pampacounteract siguro sa anghang nung sili.

Madali lang to, ang pinaka burden na siguro e yung paghati at pagtanggal ng buto ng sili. Mahapdi sya sa kamay. Gloves lang ata katapat nun para di mo maramdaman.

Sangkap

Bawang
Sibuyas
Baboy
Sili (yung siling haba, yung panigang)
Gata
Bagoong
Paminta

Pakuluan mo muna ng konti yung baboy. Pag malambot na at medyo ma brown na, hanguin mo, igisa yung bawang at sibuyas,tapos yung baboy, tapos yung bagoong. Lagyan ng konting tubig. (mga 1/4 cup) tas yung sili na tas yung gata na. Timplahan mo ayon sa panlasa.

Usapang gata, kundi instant gamit mo, una mong ilagay yung pangalawang banlaw, huli yung kakang gata para lumapot.


No comments:

Post a Comment