
Hindi ko talaga nagustuhan ang munggo kahit kelan. Nung bata ako, pag eto yung bubungad sakin pag bubuksan ko yung kaldero, nabubuset ako at nawawalan ng gana kumain. Wala kasing dating sakin yung lasa. Parang dumaan lang sa lalamunan ko. Tska madalas kasi pangsahog ng lola ko hebe at chicharon. E ayoko pa naman ng chicharon na hindi na malutong, kaya badtrip talaga ko pag eto ang ulam.
Hanggang sa pagtanda ko dinala ko yun, pag me ulam sa carinderia, X kagad ang ginisang munggo sa listahan. Magbubukas nalang ako ng sardinas wag mo lang ako pakainin ng munggo.
Hanggang sa isang araw, kumain kami sa Clark ng pamilya ko. Umorder ng ginisang munggo ang tatay ko. Sakin okay lang, me inorder naman akong sisig kaya di ako apektado.
Pero nung nakita ko yung munggo, natakam ako. Me celery kasi. E kahit anong ulam pa naman na me celery e gusto ko. Nagiiba kasi yung lasa at bumabango yung pagkain, nakakatakam talaga.
Kaya simula nung araw na yun, nakasama na sa listahan ng mga lutuin ko ang ginisang munggo. Karaniwan, ang sahog nyan e yung natirang tinapa o kaya yung hebe. Pero para sa akin, okay yung baboy. pag tinapa kasi naglalasang tinapa yung gulay, di mo na malasahan yung munggo. Karaniwan din na nilalagyan sya ng dahon ng malunggay, o

Tska yung bersyon ko ng ginisang munggo, me ampalaya. Me diabetes kasi tatay ko e. Masarap naman kahit papano. Pero kung ikaw yung tipong di talaga kumakain ng ampalaya, kahit wala non masarap na.
Sangkap:
Bawang
Sibuyas
Baboy
Munggo
Tubig
Ampalaya
Celery
Asin
Paminta
Huhugasan ko muna yung mungggo tas binababad ko ng mga isang oras sa tubig, tas pakukuluan ko muna yun. Masyado kasing matagal bago yun lumambot e. Pagkamalambot na, igisa mo na yung bawang at sibuyas tas isunod mo na yung baboy, pag mapula na yung baboy, lagay mo na yung pinakuluan mong munggo, unang kulo lang, lagay mo na yung ampalaya, pagkatapos ng mga sampung minuto patayin mo na ang apoy at lagay mo na yung celery. Timpalahan mo ng asin at paminta ayon sa iyong panlasa.
Okay sya sa pritong isda + kanin.
No comments:
Post a Comment