Friday, August 28, 2009

SUWAM NA MAIS


Siguro nagtataka kayo kung ano ang suwam na mais. Tinayp ko ang "ginulay na mais recipe" sa mga search engine at iilan lang ang lumabas. sabi pa nga, Ibig mo bang sabihin ay: gulay na mais

Suwam na mais o ginulay na mais o gulay na mais man e iisa lang ang tinutukoy nyo.

Isa ang suwam na mais na lagi kong niluluto sa ngayon kasi yung kapitbahay namin na mini talipapa e laging me mais na tinitinda. Kung nagtataka kayo, hindi ito yung talagang mais na nilaga na, yung ginagawang suwam e yung hilaw pa. Ang ginagawa nila diyan, tinatanggal nila yung butil ng mais sa busal. (Okay, busal yung corn husk kung naguuguluhan ka). Yung iba, tinatapyas ng kutsilyo yun, ako naman, kutsara gamit ko. Mahirap i explain kung pano, kung pwede ko lang i vedio e binidyo ko na sana.

Pero hindi ko tinatanggal sa busal yung butil. Ang gulo ko ba?

Yung version ko (actually version ng lola ko) e ginagadgad namin yung mais. Gamitin mo lang yung malaking butas ng panggadgad. tas ayun na. Nakakapagod lang at medyo messy kasi tatalsik ng onti yung mais pero mas luto sya at mas malasa.

Iba ibang dahon ang pwede mong ilagay diyan. malunggay, dahon ng sili, dahon ng ampalaya o talbos ng kalabasa ang iilan sa pwede mong ilagay. Okay na yung dahon ng sili, madali lang hanapin.

Eto na yung sangkap:

Bawang
Sibuyas
Baboy (pang sahog)
Mais
Tubig
Dahon
Asin
Paminta

Hindi lang baboy pwede mong pangsahog, pwede din yung hebe. (yung maliit na hipon na nabibili sa tindahan na parang tuyong mini hipon). ang ginagawa ko, papakuluan ko muna yung baboy sa konting tubig apra di matigas tas hahanguin ko tas igigisa ko na yung bawang at sibuyas tas kasunod na yung baboy. Tas susunod na yung mais, lagyan mo ng tubig, pakuluan mo, tas lagyan mo ng asin at paminta ayon sa iyong panlasa, pakuluin mo pa ng konti. (mga 20-30 minutos lang siguro yung boiling time ko sa mais all in all). Patayin mo tas ilagay mo na yung dahon, yun na!

Sabi nga pala tatay ko mukha daw panis yung niluto ko sa litrato, pasensya na, bagong kulo kasi yan kaya me bula bula. Sa susunod alam ko na.

Okay tong ulamin kasabay ng pritong porkchop. Tas me Coke. Pero pwede na syang kainin ng ganyan na mismo!

No comments:

Post a Comment