Friday, August 28, 2009

Pesang Tilapya



Kadalasan, dalag talaga yung ginagawang pesa. Kaso hindi ko gamay lutuin yun at mahirap hanapin sa palengke at mas mura ang tilapya kung tutuusin. Tska mahilig talaga ko sa tilapya. bukod sa mura na, hindi pa masyadong matinik. Tsaka sa sarili kong pananaw, kahit magtagal sa ref yung tilapya (mga isang linggo siguro), okay pa yung lasa nya pag pinrito. (Pag prito lang ha!) Kung magluluto kayo ng isda na me sabaw, bilin nyo lang sya sa araw na lulutuin nyo sya. Dapat sariwa talaga. Kasi kung hindi, madidismaya ka sa lasa at maangong amoy nung niluto mo. oo nga, dapat naman talaga laging sariwa yung niluluto mo, pero minsan di mo din kasi maiiwasang mag imbak ng lutuing ulam sa ref mo.

Hindi ko na nakasanayang samahan ng miso ang pesa ko. Impluwensya daw ng mga intsik ang tambalang pesang isda at ginisang miso bilang sawsawan, pero para sa akin, kalamansi at patis lang okay na.

Ano pang kinaiba ng Pesa ko sa tradisyonal na pesa?

Yung tradisyonal na pesa, hugas bigas yung ginagamit na pangsabaw, yung akin, tubig lang. Tska ang tunay na pesa, ginigisa muna yung isda. Yung akin kasi, sinasalang ko at pinapakuluan sabay sabay yung isda, sibuyas, asin at luya. (gawaing tamad ata to) tska ko hahanguin muna yung isda (malalaman mo naman na pag luto na yun) kasi baka malasog. Tas hahayaan kong kumulo ng matagal tagal yung sabaw para lumasa lalo yung luya tska para mawala yung lansa. tas isasahog ko na yung patatas.

Eto na muna nga yung mga isinahog ko.

Sibuyas
Luya
Tilapya
Tubig
Patatas
Pechay Baguio (pwede kahit anong pechay na available)
Asin
Paminta

Ayun na nga, nakasulat na sa taas kung pano ko niluto yung pesa ko. pero ayoko naman kayong turuan ng mali. Pwede nyong subukan yung gawi ko, o pwede nyo ding igisa na muna yung isda. Siguro kung dalag man yung gagamitin ko, malamang igigisa ko muna din yun kasi malansa talaga sya.

Panalo to kasama ang kanin. Pero pwede ring kainin ng ganyan na mismo kung nagpapapayat ka kasi masarap papakin ang tilapya.

Hanggang sa muli.

No comments:

Post a Comment