Wednesday, January 20, 2010

How to: GET FREE TICKETS TO THE KILLERS CONCERT

I think, everybody online already knew that The Killers will indeed have a one night only concert on January 31,2010 at SM Mall of Asia Concert Grounds. And if you're looking for free tickets without sweating it out, Globe Tatoo makes it easier for you to catch this awesome gig.

Here's how:

1. Take a picture of yourself with a Globe Tattoo Broadband stick.

2. Post it on the wall of the Globe Tattoo fan page.

3. The top 95 most-”liked” photos will get one (1) ticket each!

4. At 9PM, of January 28, 2010, the contest cuts off. We will no longer accept submissions or count the “likes” past January 28, 2010 at 9PM.

5. We will announce the names of the winners on this blog on the evening of January 28, 2010.

6. Winners must confirm by texting their names and contact details (landline number, cellphone number) to 0927-3890762.

7. Winners can claim their tickets on January 29, 2010 at 4th Floor, Globe Telecom Tower 2, Pioneer St., Mandaluyong City. Look for any Digital Marketing representative. Or at the concerts grounds, January 31st. Again, just look for Globe representatives.

8. Unclaimed/unconfirmed tickets will be given away in another contest on January 30, 2010.

9. In case there’s a tie, the pic that was submitted earlier will get the ticket.

The promo runs from January 15-28, 2010. So better hurry up guys!

You can visit the Globe Tatoo page for more info.


Friday, January 1, 2010

HALAYANG UBE


Ube yung recipe ah. Kung mukhang pamilyar sayo yung katabi ng ube, Oo, crema de fruta ng Goldilocks yan na tira nung media noche. At nadissapoint nya ko.

Nga pala, etong recipe na to e hindi ko niluto. Pero gusto ko lang ishare sa iba kasi wow pare ang sarap. Hindi masyadong matamis,hindi matabang. Sakto

Tita Lorie ko ang nagluto nito. Magaling sya sa desserts. Oo minsan puro phase sya. Dati isang taon kaming purgado sa graham cake, nung sumunod na taon, purgado kami sa buchi. Nung sumunod, yung buko pandan salad. Pero ang di kumukupas na dessert nya e yung leche flan nya. At ngayong taon, kahit masarap padin yung leche flan nya, e tinaob ito ng halayang ube nya.

Maghanda ka na ng:
2 kilong Ube
2 can ng condensed milk (300 mL each)
1can ng evaporated milk (370 ml)
1 brick of butter (Anchor daw)
Kalahating bloke nung keso (yung normal size)

Pakuluin mo yung ube, tas pagmalambot na tatanggalin mo yung balat. After nun, igadgad mo. Pati yung keso gagadgarin.

After nun, isalang mo na yung ube sa me kawaling me 1/4 nung butter. Lagay mo yung evap at condensed (dahan dahan) tas hahaluin mo hanggang mangalay kilikili mo, este hanggang lumapot sya. Tas lagay mo na yung keso tska yung natirang butter.

Yun na.

Seryoso ko sa hanggang mangalay ang kili kili mo.

PS:
Nakalimutan kong me Facebook nga pala si Tita Lorie, at may message sya sakin:
hoy sarang ge may mali sa recipe mo. pag nagadgad mo na ube with the cheese halo mo na condensed at evap na milk then salang mo na. lagyan mo na rin ng food color para di mapusyaw kulay. pag medyo masakit na kilikili mo halo mo na ang i whole butter siempre anchor. then tapusin mo nalang paghalo hanggang sumakit uli kilikili mo. tapos

AYAN NA

Sunday, December 20, 2009

MENUDONG PANG KASAL

Hindi ko alam kung pano ko naluto to.

Eto ata yung panagalawang beses na nakapagluto ako ng menudong lasang pang kasal o pang piyesta. Kanina nagluto ulit ako nyan. Hindi na ganon kasarap.


Niluto ko to para sa krismas party ng kumpanya e. Potluck e. Ako nagmaganda, nagpresentang magluto ng menudo. Nagpabili ako sa tatay ko ng rekado.

Baboy (sabihin mo nalang sa tindera, yung pang menudo, bibigayn ka na ng atay nun)
Toyo
Kalamansi
Bawang
Paminta

Yung proportion nyan ng pagkakababad e tatlong kilong baboy, 14 na kalamansi, toyo (mga 1 1/2 cup) or tantsahin mo nalang (okay na yung mabababad lang yung baboy sa toyo, wag naman yung nagsiswimming sa soysauce, parang yung tinuro ko sa tinoyoang baboy) tas isang ulo ng bawang tska paminta. Babad mo ng mga 6 na oras. Wag mong isama yung atay okay

Pagkatapos nun, pakuluan mo yung baboy, maglagay ka ng konting tubig para di matapang yung lasa ng toyo. Patuyuin mo. Matatantsa mong pang gisa na sya pag nagmamantika na yung baboy. (Pag patuyo na, me mantika ng lumulutang sa ibabaw). Hanguin at palamigin

Maghanda ka ulit ng

Atsuete
Bawang
Sibuyas
Bellpepper
Patatas
Carrots
Paminta
Asin

Ang ginawa ko muna, naglagay ako ng konting mantika sa isang pan, tas nilagay ko yung carrots at patatas. Ayoko kasi ng lasog lasog yung gulay ko. Pinapawis ko muna yung gulay. Tas tinabi ko. Pero kundi ka masyadong maselan, isama mo nalang yung gulay after mong igisa yung baboy.

Maginit ka na ng mantika, tas prito mo yung atsuete. After kumulay sa mantika, tanggalin mo yung buto, tas igisa mo na yun sibuyas at bawang. Tas yung baboy (wala munag sauce nung pinagbabaran). Tas yung atay. Pakuluin ng mga limang minuto. Tas lagay mo na yung gulay kung ayaw mong sundi yung tinuro ko kanina. Ikaw na mag adjust ng lasa.

Lahat naman ng kasamahan ko natuwa sa luto ko. Sabi nga nung isa,parang menudong pang kasal yan ah!
Siguro nga dahil sa pressure kaya masarap tong menudo na to pero eto lang talaga ang naiisipkong dahilan kung bakit flop ang luto kong menudo kanina:
1. Napagtanto ko, siguro nasa karne yan. Ang ginamit ko kasi kanina yung porkchop. Ang ginamit ko diyan, kasim. Ewan ko kung tama yung hunch ko.
2. Tska yung pagkakababad nadin siguro. Dapat konting kalamansi lang. Kung isang kilong baboy, mga 3 kalamansi lang. Tas saktong toyo, tandaan, hindi dapat lumulutang sa toyo yung baboy.
3. O kaya dahil sa tensyon ng malaman kong 800 yung nagastos ng tatay ko at dapat kong singilin ng tig 160 ang mga kasamahan ko. Ewan.

Nga pala, depende sa inyo kung gusto nyo maglagay ng tomato sauce.

Sunday, September 20, 2009

BINAGOONGANG BABOY/BICOL EXPRESS

Madami na kong naluto at nakunan ng litrato at nakatambak sya sa PC namin. Mahirap magkasakit.

Eto ang version ko ng binagoongang baboy na me pagka Bicol Express.

Ang binagoongang baboy kasi alang gata, ang Bicol express naman walang bagoong. Ang problema ko kasi sa binagoongang baboy masyadong maalat. Makati sa dila sabi nga ng pinsan ko.

Pareho lang silang ginigisa, sa binagoongan pwede kang maglagay ng talong. Yung Bicol express naman, me natikman ako na nilagyan ng sigarilyas. Pampacounteract siguro sa anghang nung sili.

Madali lang to, ang pinaka burden na siguro e yung paghati at pagtanggal ng buto ng sili. Mahapdi sya sa kamay. Gloves lang ata katapat nun para di mo maramdaman.

Sangkap

Bawang
Sibuyas
Baboy
Sili (yung siling haba, yung panigang)
Gata
Bagoong
Paminta

Pakuluan mo muna ng konti yung baboy. Pag malambot na at medyo ma brown na, hanguin mo, igisa yung bawang at sibuyas,tapos yung baboy, tapos yung bagoong. Lagyan ng konting tubig. (mga 1/4 cup) tas yung sili na tas yung gata na. Timplahan mo ayon sa panlasa.

Usapang gata, kundi instant gamit mo, una mong ilagay yung pangalawang banlaw, huli yung kakang gata para lumapot.


Monday, September 14, 2009

CHOCOLATE REVEL BARS



HINDI KO ALAM MATAGAL NA KONG NAG KE CRAVE SA REVEL BAR NG JD BAKESHOP SA ILOILO.

ETONG RECIPE NA TO E HINDI KO MAI SHE SHARE. MAGAGALIT SI CHEF AILEEN NG MY FAVORITE RECIPES. HANAPIN SA WMN.PH ANG MAGIC SPELL.

Saturday, September 5, 2009

BALIW NA BABOY (TINOYOANG BABOY)


Sa tita kong malayo natutunan lutuin tong tinoyoang baboy kasi laging yan yung pinapabaon nyang ulam sa pinsan kong kasama ko sa boarding house nung college. Pero hindi ko padin magaya yung tinoyoang sinasabi nya. Nun pala, ang tinoyoan, aprang adobo o menudo na galing sa handaaan na habang tumatagal at paulit ulit na iniinit e sumasarap.

Simple lang to,parang adobo na imbes na suka ang pangasim e kalamansi ang gagamitin. Me exact measurement daw dito sabi ng tita ko, pero ako hindi ko padin minemeasure ang mga ginagamit ko. Sabi nya kasi non "lasahan mo yung timpla mo, tikman mo!"


Hindi sya dapat sobrang asim na kasing lasa na ng bistek na baboy at hindi masaydong maalat na kasing lasa na ng adobo. Eto yung mga kailangan

Isang kilong baboy (wag buto buto, sabihin mo yung pang adobo)
Bawang
Sibuyas
6 na medium size na Kamatis
5 Calamansi
Mga 1/2 cup na toyo (basta di nalulunod sa toyo yung baboy kung ayaw mong umalat luto mo)
Dahon ng laurel
Asin
Paminta

Ibabad mo muna yung baboy sa sibuyas, bawang, dahon ng laurel, toyo, kalamansi , kamatis, konting asin at paminta. overnight ko syang binababad. pagkatapos papakuluan mo lang sya, wag masyadong malakas yung apoy, habang kumukulo at kung medyo natutuyuan na sya, lagyan nyo ng konting tubig. pag medyo malambot na yung karne at medyo konting sarsa nalang ang natitira, hanguin nyo yung baboy. Tas igisa nyo ulit yung baboy sa sibuyas at bawang. tas ilagay mo ulit yung sarsa. Yun na!

Sabi nga ng tita ko, tikman mo yung timpla mo para matantsa mo kung ano kulang at kung ano magiging lasa ng luto mo. basta tandaan mo, hindi sya dapat sobrang asim na kasing lasa na ng bistek na baboy at hindi masaydong maalat na kasing lasa na ng adobo.

Habang naiimbak, sumasarap. Pero sa ref mo ilagay ha.

Tuesday, September 1, 2009

GINISANG MUNGGO


Hindi ko talaga nagustuhan ang munggo kahit kelan. Nung bata ako, pag eto yung bubungad sakin pag bubuksan ko yung kaldero, nabubuset ako at nawawalan ng gana kumain. Wala kasing dating sakin yung lasa. Parang dumaan lang sa lalamunan ko. Tska madalas kasi pangsahog ng lola ko hebe at chicharon. E ayoko pa naman ng chicharon na hindi na malutong, kaya badtrip talaga ko pag eto ang ulam.

Hanggang sa pagtanda ko dinala ko yun, pag me ulam sa carinderia, X kagad ang ginisang munggo sa listahan. Magbubukas nalang ako ng sardinas wag mo lang ako pakainin ng munggo.


Hanggang sa isang araw, kumain kami sa Clark ng pamilya ko. Umorder ng ginisang munggo ang tatay ko. Sakin okay lang, me inorder naman akong sisig kaya di ako apektado.

Pero nung nakita ko yung munggo, natakam ako. Me celery kasi. E kahit anong ulam pa naman na me celery e gusto ko. Nagiiba kasi yung lasa at bumabango yung pagkain, nakakatakam talaga.

Kaya simula nung araw na yun, nakasama na sa listahan ng mga lutuin ko ang ginisang munggo. Karaniwan, ang sahog nyan e yung natirang tinapa o kaya yung hebe. Pero para sa akin, okay yung baboy. pag tinapa kasi naglalasang tinapa yung gulay, di mo na malasahan yung munggo. Karaniwan din na nilalagyan sya ng dahon ng malunggay, o kaya dahon ng sili.

Tska yung bersyon ko ng ginisang munggo, me ampalaya. Me diabetes kasi tatay ko e. Masarap naman kahit papano. Pero kung ikaw yung tipong di talaga kumakain ng ampalaya, kahit wala non masarap na.

Sangkap:

Bawang
Sibuyas
Baboy
Munggo
Tubig
Ampalaya
Celery
Asin
Paminta

Huhugasan ko muna yung mungggo tas binababad ko ng mga isang oras sa tubig, tas pakukuluan ko muna yun. Masyado kasing matagal bago yun lumambot e. Pagkamalambot na, igisa mo na yung bawang at sibuyas tas isunod mo na yung baboy, pag mapula na yung baboy, lagay mo na yung pinakuluan mong munggo, unang kulo lang, lagay mo na yung ampalaya, pagkatapos ng mga sampung minuto patayin mo na ang apoy at lagay mo na yung celery. Timpalahan mo ng asin at paminta ayon sa iyong panlasa.

Okay sya sa pritong isda + kanin.